Pinoy Breast Cancer Resource
Thursday, July 4, 2013
IN MEMORY OF Celia Velasco
IN MEMORY OF Celia Velasco
Mayroon akong kwento, hindi lang basta kwento, kundi kwento na punung-puno ng pag-asa at inspirasyon…
Si Nene, bata pa lang ay namulat na ang mga mata sa hamon ng buhay. Maaga niyang natutuhan ang mga gawaing bahay. Siguro marahil dahil siya ang panganay sa apat na magkakapatid. Siya lang ang babae. Siya ay hindi lumaki sa piling ng kanyang mga magulang at mga kapatid dahil mahirap ang buhay at walang kakayahan ang mga magulang na siya ay pag- aralin. Napilitan siyang tumira sa kanyang tiyahin.
Dahil sa siya ay matiyaga at alam ang hirap ng buhay, nagsumikap siya sa kanyang pag aaral. Isang kamag-anak ang tumulong sa kanya para maging isang iskolar mula high school hanggang kolehiyo. Noong first year high school siya, nagkasakit ang kanyang ina. Sabi nila malubha raw ang sakit ng nanay niya at hindi nga nagtagal, pumanaw ang kanyang ina sa edad na 31 anyos. Narinig niya sa matatanda na namamana raw ang naging sakit ng kanyang ina, pero dahil sa kanyang murang edad hindi niya ito pinansin.
Itinuon niya ang kanyang panahon sa pag-aaral hanggang sa makapagtapos sa kursong B.S. Elementary Education. Noong sumunod na pasukan nagturo na siya sa paaralang kanyang pinagtapusan. Unti-unti siyang nangarap… maiahon ang pamilya sa kahirapan… pag-aralin ang mga kapatid… at marami pang iba… ngunit hindi lahat ay natupad.
Mga ilang taon ang lumipas bago siya nagkaroon ng sariling pamilya, nagkasakit naman ang kanyang bunsong kapatid… namaga ang hita at magang-maga hanggang paa. Nakaka-awa pag dumadaing… ipinagamot niya ang kapatid ngunit ang sabi ng doktor ay kailangang putulin ang kanyang isang paa mula hita. Hindi pumayag ang kanyang kapatid at… wala pang anim na buwan, ito naman ang lumisan. Nasabi ni Nene sa kanyang sarili, “masakit mawalan ng mahal sa buhay”. Kung lumaban sana ang kanyang kapatid marahil ay nadugtungan pa ang kanyang buhay.
Lumipas ang mga taon, nagkaroon ng anim na anak si Nene. Apat na babaeng sunud-sunod at dalawang lalaki. Ngunit isang pagsubok na naman ang dumating sa kanyang buhay… ang isang anak niyang lalaki lumaki ang isang testis (itlog)… malignant pala! Iba’t-ibang doktor ang pinuntahan nila, pero iisa ang sinasabing “findings”… kaya inoperahan ang anak niyang lalaki.
Ginawa niya ang lahat para mailigtas ang anak. Ayaw niya itong matulad sa kanyang ina at kapatid. Nagtagumpay naman siya kahit nagdaan siya sa maraming pagsubok. Pagkatapos ng operasiyon, halos dalawang taon nagpagamot ang kanyang anak na lalaki… nag chemotherapy sa murang edad nito.
Hindi pa natatapos ang gamutan ng anak, bigla siyang may nakapang bukol sa kanyang dib-dib. Kinabahan siya at natakot, kaya’t nagpatingin siya sa iba’t-ibang doktor. Naghanap siya ng doktor na magsasabing wala lang ang nakakapa nya, subalit siya ay nabigo. Ipinasya niyang lumuwas ng Maynila.
Isang kamag-anak ang nagbigay ng number ng isang doktor sa kanya. Nag-text sya sa doktor… at nag-reply naman. Nung magpa-check-up siya dun sa doctor na iyon sa Maynila ay para siyang binagsakan ng langit at lupa sa mga narinig… bagamat wala pang mga test na ginagawa, siya ay kabado…
Na-schedule ang kanyang operasyon makaraan ang isang lingo ng work-up. Sa mga araw na iyon, lagi siyang pinapa-alalahanan ng kanyang doktor… naramdaman niya na di lang siya basta doktor, ngunit higit sa lahat ay isa siyang kaibigan.
Sobrang depression ang nangyari kay Nene. Di siya makatulog… di siya makakain… ayaw lumabas ng kwarto… ayaw makakita ng tao. Iniisip pa lang na malulugas ang kanyang mga buhok at kung paano na siya makapagtuturo ay pinaghihinaan na siya ng loob. Ngunit, kinailangan niyang mag chemotherapy. Sa lubhang pagkabagabag, siya ay na-ospital sa kanyang unang chemotherapy… napaka lakas talagang makapanghina ang lubhang pagaalala… subalit kahit nasa Maynila yung doktor at nasa ospital si Nene sa Bulacan, si Nene ay mino-monitor pa din niya… kaya’t paglabas ni Nene ng ospital, pinilit niyang baguhin ang lahat at bigyan muli ng kulay ang kanyang buhay… kahit wala siyang panlasa, kumakain na siya… kahit wala siya sa mood, nakikihalubilo at nakikipag kwentuhan na siya. Sa tulong ng doktor na yun, nagkaroon siya muli ng pag-asa… maraming text messages na naka-inspire ang sine-send niya sa kanya… kahit na sa tuwing babasahin ni Nene ang mga ito, laging tumutulo ang kanyang luha. Pilit niyang tinanggap ang katotohanan, kahit na mahirap para sa kanya… mga tanong na walang tiyak na kasagutan tulad ng “paano na ang pag-aaral ng kanyang mga anak?”; “saan siya kukuha ng pampagamot?”
Sadyang marunong ang Diyos sa lahat… ibinigay Niya ang lahat ng kailangan ni Nene sa takdang panahon na kailangan niya… Narito si nene patuloy na lumalaban sa tulong ng isang “support group” sa pangunguna ng doktor na laging timutulong sa kanya… sobrang “thankful” siya kay “Lord” at nakilala niya ang mga ito.
Sino kaya si nene? Wala pong iba kundi ang inyong lingkod, at ang doktor na tinutukoy ko ay ang matulunging si Dr. Tina Santos. Maraming salamat po sa Diyos at sa kanya! Alam nyo po ba yung kasabihan tungkol sa kabayo?
The saying goes like this…
The winning horse doesn’t know why it runs a race. It runs because of the whip and pain. Life is a race. If you are in pain, then clearly God wants you to win!
Kaya tuloy lang po tayo sa pagtakbo para manalo sa karera ng buhay. Mas nasasaktan tayo, mas lalong dapat tayong lumaban! Sana na-inspire kayo sa kwento ni Nene… Thank you very much po!
"Life is a Race..."

Subscribe to:
Posts (Atom)